Calendar
Provincial
Nasa likod ng pagpatay sa 3 nahuli sa NE
Bernard Galang
Mar 27, 2025
73
Views
DALAWANG suspek sa pagpatay sa tatlong miyembro ng pamilya ang nahuli noong Miyerkules sa San Leonardo, Nueva Ecija.
Magkapatid ang nahuling mga suspek na sina alyas Mar, 38, at alyas Fer, ng Brgy. Mallorca, San Leonardo, base sa ulat kay Police Regional Office (PRO)-3 director Brig. Gen. Jean Fajardo.
Narekober mula sa isa sa mga suspek ang cal. 45 pistol at hand grenade.
Nasa kustodiya ng San Leonardo police ang dalawang suspek.
Ayon sa report, sangkot ang dalawa sa pagpatay sa mga biktimang sina Aurora Geronimo, 52; Don Rey, 55; at 10-anyos na anak.
Nasa loob ng tindahan nila ang mga biktima nang dumating ang mga suspek na sakay ng motorsiklo at nagpanggap na kostumer.
Pinaputukan ng mga suspek ang mga biktima na agad ding namatay.
Pampanga cops rumemate; 8 arestado
May 10, 2025
Aragones No. 1 sa survey sa kabila ng mga paninira
May 10, 2025
Obrero tinodas; 2 suspek laglag
May 9, 2025
Naaagnas na bangkay ng kelot nakita sa basement
May 9, 2025
Obrero tinodas; 2 suspek laglag
May 9, 2025