QCPD umaksyon: 18 huli sa 1-day warrant ops
Oct 11, 2026
FEEDING PROGRAM
Oct 11, 2026
Nangholdap naaresto sa Pampanga
Oct 11, 2026
Property developers may tie-up sa 4PH program
Oct 11, 2026
Calendar
Kinilala ni Police Lieutenant Ferdinand Omli ang suspek na may kasong carnapping matapos na muling matimbog sa loob ng Manila City Jail sa Sta. Cruz, Manila. Kuha ni JonJon Reyes
Metro
Natiklo sa droga, arestado uli sa carnapping
Jon-jon Reyes
Feb 10, 2025
629
Views
NASA likod na ng malamig na rehas, naaresto pa uli sa kasong carnapping ang 38-anyos na lalaki sa Manila City Jail male dormitory sa Sta. Cruz, Manila noong Lunes.
Nakilala ang suspek ng mga miyembro ng Manila Police District-Delpan Police Station 12 na si alyas Melandro.
Ayon kay Police Lieutenant Ferdinand Omli, ng Intel Warrant Section ng MPD Delpan Police Station 12, bandang alas-9:30 ng umaga ng damputin ang suspek sa nasabing kulungan.
Naaresto ang suspek base sa warrant of arrest dahil sa kasong paglabag sa RA 10883 (carnapping) na inisyu ni Judge Edgardo Cruz Saplala, Presiding Judge ng RTC Branch 33 ng Manila.
Nakakulong na ang suspek dahil sa kasong frustrated homicide at ilegal na droga ng muling arestuhin.
QCPD umaksyon: 18 huli sa 1-day warrant ops
Oct 11, 2026
2 suspek sa krimen nasukol sa Maynila
Oct 11, 2026
AMA,70, PINAPULIS NG SARILING ANAK SA PANANAKOT
Oct 11, 2026
9-anyos nagsumbong ukol sa paggahasa ng ama
Oct 10, 2026

