Diokno

National ID kakailanganin para makatanggap ng ayuda

163 Views

PINAG-AARALAN ng economic managers ng Marcos administration ang paggamit ng Philippine Identification System (PhilSys) o national identification card para makakuha ng ayuda na ibinibigay ng gobyerno.

Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno sa paggamit ng national ID ay matatakpan din ang leakage sa pamimigay ng ayuda.

Sa ganitong paraan ay mabibigyan din umano ng insentibo ang mga Pilipino na kumuha na ng national ID na magagamit ng mga Pilipino sa pakikipagtransaksyon sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno gayundin sa pribadong sektor sa pagsasagawa ng berepikasyon.

Puspusan ang ginagawang pag-imprenta sa mga national ID at sa katapusan ng taon ay target nito na makapagbigay ng 50 milyong ID.