Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
NPCS

Nat’l Police Clearance Sytem satellite office nagbukas sa Robinsons Antipolo

240 Views

NAGBUKAS ang National Police Clearance System (NPCS) satellite office sa Antipolo City sa Lingkod Bayan Center Robinsons Mall noong Agosto 27.

Pinangunahan ni Police Colonel Felipe Maraggun, provincial director, ang pag-organisa sa opening ng satellite office katuwang si Police Lieutenant Colonel Ryan Manongdo, acting chief of police ng Antipolo City.

Layunin ng pagbubukas ng office na mas paigtingin ang pag monitor sa mga wanted persons at mapadali ang pagtugon sa pangangailangan ng publiko upang makakuha ng clearances na pangunahing hinahanap sa trabaho.

Dinaluhan ng mga panauhing pandangal ang aktibidad na pinangunahan ni Police Brigadier General Paul Kenneth Lucas, director ng Police Regional Office- 4A na kinatawan ni Police Colonel Christopher Abecia, Randy Puno, Board Member ng Antipolo City at Cristina Manalo, Regional Operations Manager ng Robinsons Mall.