Baril

Natutulog na kelot pinagbabaril, DOS

5 Views

DEDO ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng di pa kilalang mga suspek habang natutulog sa nakaparadang dumptruck sa Bypass Road, Barangay San Isidro Sur, Sto. Tomas City, Batangas.

Sinabi ng isang alyas Ireneo, truck helper, sa mga imbestigador, na natutulog siya bandang 11:30 ng tanghali nang gisingin ng tatlong magkasunod na putok ng baril mula sa isang dump truck na nakaparada di kalayuan sa kung saan natutulog din ang biktimang na kinilalang si alyas Loreto.

Dagdag ni Ireneo na sumakay ang dalawang suspek sa pulang motorsiklo at tumakas patungo sa Sto. Tomas City, Batangas.

Ayon sa kanya ang suspek ay may suot na puting shirt, maong na pantalon, balingkinitan ang katawan, at may taas na 5’4 hanggang 5’6.

Ayon sa mga otoridad, ang biktima ay nagtamo ng tama ng bala ng baril sa iba’t-ibang parte ng katawan na nagresulta ng kanyang agarang kamatayan.

Hiniling ng Sto Tomas police ang tulong ng Regional Forensic Unit (RFU) 4A (SOCO) para sa teknikal na imbestigasyon.