Spare parts Ang mga narekober na ebidensya sa ang suspek matapos na maaresto ng NBI agents.

NBI agents hinuli tirador ng spare parts

Jon-jon Reyes Mar 31, 2025
25 Views

NABUKING ng mga alagad ng batas ang isang lalaki na nagnanakaw ng mga pyesa ng sasakyan na narekober sa impounding area ng National Bureau of Investigation-Bureau of Corrections (BuCor) Detention Center sa Muntinlupa City.

Nakilala ang suspek na si alyas Emmanuel na naaktuhan ng NBI security personnel na kinakalas ang mga parte at accessories ng mga sasakyan na narekober ng NBI.

Ayon sa pagsisiyasat, may ilang hindi pa nakikilalang indibidwal ang nkaka-access sa NBI-BuCor compound.

Narekober mula sa mga suspek ang car stereo, switch ng air-conditioning, takip ng switch ng kuryente, vice grip, dalawang lagaring bakal, screwdriver, 10 susi at karagdagang magnetic at electrical wires.

Pinuri ni NBI Director Jaime Santiago ang mga operatiba sa paghuli sa suspek.