Santiago Iniharap ng NBI ang mga naarestong suspek sa online fraud sa Angeles City, Pampanga. Kuha ni JonJon Reyes

NBI inaresto 7 suspek sa online fraud sa Pampanga

Jon-jon Reyes Sep 27, 2024
91 Views

ARESTADO ng National Bureau of Investigation (NBI) noong Biyernes ang pitong indibidwal na umano’y sangkot sa online fraud sa Pampanga.

Ayon sa NBI, ikinasa noong Setyembre 20 ang operasyon ng NBI-Pampanga District Office (NBI-PAMDO) at Philippine Air Force (PAF) 301st Special Mission Group at 300th Air Intelligence Security Wing para isilbi ang search warrant, seize and examine computer data laban order sa FXTM USDT forex trading sa Brgy. Salapungan, Angeles City, Pampanga.

Naaresto sina alyas Arnel, Reniel, Sharlene, Amanda, Eunice, Mark Jhondell, Vanesa at Kaey Ann sa operasyon.

Nakumpiska sa operasyon ang 85 desktop computers, 114 cellular phones; ibat-ibang SIM cards at used SIM card chips; at ilang dokumento na naglalaman ng emails, passwords at cryptocurrency wallet addresses.

Ayon pa sa NBI, isinagawa ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon ang NBI-PAMDO na ang FXTM USDT Forex Trading isang cryptocurrency scamming hub na target ang mga dayuhan sa US, Middle East at Europe.

Sasampahan sa Angeles City Prosecutor’s Office ng kasong may kaugnayan sa Cybercrime Prevention Act of 2012 ang mga naaresto.