Suspect Source: Screen grab from FB video

NBI magsasampa ng kaso vs Barayuga slay suspects sa susunod na buwan

14 Views

MALAPIT ng matapos ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isinasagawa nitong imbestigasyon kaugnay ng pagpatay kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board secretary Wesley Barayuga noong Hulyo 2020.

Sa ika-14 na pagdinig ng quad committee ng Kamara de Representantes, sinabi ni NBI Deputy Director Ferdinand Lavin na makapagsasampa na ng kaso ang ahensya laban sa mga suspek sa susunod na dalawa o tatlong linggo.

“For the NBI, we are already wrapping up or we are concluding the investigation on the Barayuga murder and in about three weeks’ time, we shall be filing our cases against those involved. We are only waiting for the results of the forensic examination on the gadgets turned over by the wife of the victim, Atty. Barayuga…. This was turned over to our agent in Iloilo, Atty. Arnold Diaz, and he applied for warrants to examine the contents of the gadgets. These gadgets were brought to our main office for the examination and we should be ready with our reports in about two to three weeks’ time your honor,” ayon kay Lavin, makaraang humingi ng update sa kaso si Antipolo City Rep. Romeo Acop, ang senior vice chairman ng mega panel.

“In three weeks’ time, cases will be filed, did I understand your answer correctly?” tanong pa ng mambabatas, kung saan positibo itong sinang-ayunan ni Lavin.

Matatandaang inimbestigahan ng quad comm ang pagpatay kay Barayuga at inamin ni PLt. Col. Santi Mendoza na siya ang naghanap ng hired killer na pumatay sa dating opisyal ng PCSO.

Si Barayuga ay pinagbabaril at napatay noong Hulyo 30, 2020, habang papauwi mula sa tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City.