Calendar

NCPP ni PBBM binigyang-diin ng Napolcom sa UN confab sa Vienna
DADALO ang ilang opisyal ng National Police Commission (NAPOLCOM) sa ika-34 na sesyon ng United Nations Committee on Crime Prevention and Criminal Justice (CCPCJ) sa Vienna International Centre sa Vienna, Austria.
Si NAPOLCOM Vice Chairperson at Executive Officer Atty. Rafael Vicente R. Calinisan at Commissioner Josephus G. Angan ang lider ng delegasyong Pilipino sa komperensiya.
Ayon kay Calinisan, bibigyang-diin niya ang pag-apruba sa 2025 National Crime Prevention Program (NCPP).
“Patuloy na isusulong ng Pilipinas ang mga pamamaraang nakasentro sa tao, inklusibo at nakatuon sa pag-iwas sa krimen at katarungan kung saan ang kaligtasan at dignidad itinataas para sa lahat,” pahayag ni Calinisan.
Ang partisipasyon ng NAPOLCOM sa CCPCJ patunay ng patuloy na papel ng Pilipinas sa internasyonal na kooperasyon para sa hustisya at seguridad na layuning makibahagi sa pagtataguyod ng isang mas ligtas na pandaigdigang komunidad.
Binubuo ang delegasyon ng mga kinatawan mula sa Department of Justice (DOJ), Department of Information and Communications Technology (DICT) at Department of Foreign Affairs (DFA) kasama ang Philippine embassy sa Vienna.