NEDA inaprubahan unang PPP ng Marcos admin

249 Views

INAPRUBAHAN ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board ang unang Public Private Partnership (PPP) project sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Sinang-ayunan ng NEDA Board na pinamumunuan ni Marcos ang pagtatayo ng University of the Philippines (UP)-Philippine General Hospital (PGH) Cancer Center sa ilalim ng PPP.

Layunin ng panukala na gawing moderno ang health infrastructure sa oncology services at cancer care.

Ayon sa NEDA aabot sa P6 bilyon ang 300-bed capacity na ospital.

Magsasagawa ng bidding para sa itatayong ospital na magkakaroon ng 30 taong Build-Operate-Transfer (BOT) arrangement.

Sa ilalim ng BOT law, magtatayo ang mananalo sa bidding ng ospital at patatakbuhin ito. Makalipas ang 30 taon ay mapupunta na ito sa gobyerno.

Ang Cancer Center ay itatayo sa UP-PGH campus sa Maynila.