Ping lacson

Neg Or supporters ni Ping solid na solid!

249 Views

“WALANG iwanan, walang atrasan!” Ito ang sigaw ng mga tagasuporta ni presidential candidate Ping Lacson mula sa Negros Oriental na naghayag ng kanilang solidong pagtulong sa kanyang kandidatura kahit pa wala na siyang kinaaanibang partido.

Nitong Linggo (Marso 27) naglabas ng pahayag ang mga miyembro ng Lacson-Sotto Support Group (LSSG) mula sa nasabing probinsya para sabihing hindi sila titigil na ikampanya ang kandidato na simula pa lamang ay nagpakita na ng kakayahan, matibay na kwalipikasyon, at kasanayan bilang isang lingkod-bayan.

“While Panfilo ‘Ping’ Lacson may have resigned from Partido Reporma, he remains as a candidate for President for the May 2022 elections. There is NO TRUTH to the reports that he has withdrawn from the presidential race,” bahagi ng pahayag ng grupo.

“Consequently, we, the supporters of Panfilo ‘Ping’ Lacson in Negros Oriental remain steadfast in our commitment to support and campaign for the candidacy of Ping Lacson,” dagdag pa nila.

Tiniyak ng LSSG na kasama sila at ng iba pang mga sumusuporta kay Lacson hanggang sa dulo ng kanilang kampanya at walang magbabago sa kanilang paninindigan dahil ang krusada ng batikang lingkod-bayan ay nakakangkla sa kanyang prinsipyo at hindi sa isang partido.

“From the very start, our support for Ping Lacson was premised on his competence, qualification, and experience as a public servant. It was never hinged on his membership or alliance to any political party,” ayon sa grupo.

“At the very least, it was primarily anchored on the principles of good governance, transparency, and genuine governmental reform, which our country direly needs,” sabi pa ng LSSG-Negros Oriental.

Nagsagawa ng mga campaign activity ang LSSG sa iba’t ibang bahagi ng Negros Oriental nitong Linggo bilang paraan ng kanilang pagpapakita ng suporta kay Lacson na anila’y “pinaka may kakayahan, pinaka-kuwalipikado, at may pinakamahabang kasanayan na presidential candidate.”

“We, likewise, make the same call to all Filipinos who love their country to support the candidacy of Ping Lacson,” panawagan ng LSSG sa lahat ng mga Pilipino.

Ang LSSG ay ang pinagsamang organisasyon ng iba’t ibang mga volunteer support group sa buong bansa na aktibong nangangampanya para kay Lacson at sa running mate niya na si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III, bilang mga susunod na lider ng ating bansa.

Inilabas ng grupo ang pahayag na ito bilang pakikiisa kay Lacson na nag-anunsyo ng kanyang desisyon na umalis sa Partido Reporma nitong Huwebes, matapos ilaglag ni party president at dating House Speaker Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez ang kanyang suporta at lumipat sa ibang kandidato.