Nakaw Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Arwen Nacional ang suspek na nagnakaw umano ng laptop matapos matimbog ng mga kapulisan sa tulong ng mga barangaya tanod sa Sta Ana, Manila. Kuha ni JONJON C. REYES

Negosyante pinahuli binata sa pagnenok ng kanyang laptop

Jon-jon Reyes Jan 7, 2026
267 Views

NATIMBOG ng mga operatiba ng MPD katulong ang mga barangay tanod ng isang 19-anyos na binata matapos na nakawin umano nito ang isang laptop mula sa isang busenesswoman sa loob ng bahay sa Taal St., Brgy 900, Punta, Sta. Ana, Maynila, Martes ng gabi..

Nakilala ang suspek na si alyas Lancer, 19, tubong Leyte, at residente ng Unit 706, Bdlg 1, Jaime Cardinal Sin Village, Bgy 898, Punta.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Arwen Nacional, commander ng MPD Sta Ana Police Station 6, bandang 6;30 ng mangyari ang pagnanakaw ng suspek sa nasabing lugar,.

Base sa salaysay ng biktima na si Shiela, 45, businesswoman, at residente ng Brgy 900, Punta, Sta. Ana, nahuli niya sa akto na kinuha ng suspek ang kanyang grey na LENOVO laptop computer na nagkakahalaga ng P35,000 kaya’t agad na humingi siya ng tulong sa Barangay 900 at Punta PCP,

Agad rumesponde sa lugar ang mga miyembro ng Sta ana Police na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek at nabawi ang ninakaw na laptop.

Ang nakuhang ebidensya na minarkahan bilang “LAT” 1-6-2026. Kasong Article 308, RPC o pagnanakaw ang isasampa laban sa suspek sa City Prosecutors Office of Manila.