Vic Reyes

Nepomuceno nagdeklara ng all-out war vs smugglers, tiwali

Vic Reyes Jul 5, 2026
79 Views

MALIGAYANG bati sa ating mga suki, lalo na sa mga kababayan natin sa Japan at iba pang panig ng daigdig.

Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.

Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki, Mama Aki ng Ihawan, Glenn Raganas, Patricia Coronel, La Dy Pinky, Endo Yumi, , Roana San Jose, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Josie Gelo, Hiroki Hayashi, at Hiroshi Katsumata.

Binabati rin natin si Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman; Dolores Monfero, Delia Sunga ng Saudi Arabia.

God bless sa inyong lahat!

***

“GIYERA mundial III” (World War III) na sa dating snake-infested waterfront ng Pilipinas!

Ito ang tahasang idineklara ni Commissioner Ariel F. Nepomuceno ng Bureau of Customs.

Sa pagpasok sa pangalawang taon niya bilang hepe ng BOC, nagdeklara si Nepomuceno ng all-out war laban sa mga ismagler at tiwaling opisyal at kawani ng ahensiya.

Ang paglaban sa “illicit trade and internal corruption will remain among BOC’s top priorities” sa nalalabing dalawang taon ng panunungkulan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., ayon kay Nepomuceno.

“Let the recent apprehensions of illicit cigarettes worth billions (of pesos) are a declaration of war against smuggling activities…and zero tolerance policy on our erring personnel,” said Commissioner Nepomuceno.

Sinabi pa ni Nepomuceno na naging “increasingly adaptive” na ang mga ismagler sa bansa.

Ayon sa kanya, ang mga miyembro ng smuggling syndicates “are resorting to alternative routes and methods to evade customs laws, including the use of private wharves and vessels.”

Pero handa naman ang BOC at ang partner-agencies nito para labanan ang mga ismagler at ang mga kasabwat nila sa gobyerno.

Kasama sa partner-agencies ng BOC ang Philipine Coast Guard (PCG), Philippine Navy (PN), Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investiation (NBI), Armed Forces of the Philippines (AFP), at iba-ibang local government units (LGUs).

“Wala ng puwang para sa complacency. As smugglers evolve their methods, Customs must be faster, smarter and more coordinated,” sabi ni Nepomuceno.

Lalo pang paiigtingin ng mga otoridad ang intelligence-gathering efforts nila para mapigilan at mapanagot ang mga taong nasa likod ng mga iligal na aktibidad.

At ang “one-strike policy” para sa erring customs officials and employees naman ay inaasahang makaka-address sa graft and corruption sa aduana.

Ayon kay Commissioner Nepomuceno, agad na tatanggalin sa puwesto ang mga tiwaling empleyado para hindi na sila maka-perhuwisyo sa bayan.

Sa mga nakaraang panahon, ginamit ng mga kandidato, karamihan ay lokal, ang aduana para makalikom ng political fund campaign.

Ginamit nila sa fund raising campaign ang mga natulungan nilang protégées na nakapasok sa BOC.

Ang mga empleyadong ito ay walang magawa kundi sumunod sa mga politikong amo nila.

Pero unti-unting nawala sa aduana ang mga taong ito nang maghigpit ang mga otoridad.

Natakot ang mga protégées na ito dahil ayaw nilang makulong o mawalan ng trabaho.

Nawala nga sa aduana ang mga observation na “bata ‘yan ni congressman, governor o mayor.”

Baka bumalik ang problema dahil parating na ang 2028 national and local elections.

***

Magsisimula na ngayon, Hulyo 6, ang impeachment trial ni Bise Presidente Sara Z. Duterte.

Hindi puwedeng hindi ito matuloy dahil constitutional duty ng mga senador na litisin ang kaso ni VP Sara.

Kung walang kasalanan, dapat na maabsuwelto ang Bise Presidente, pero kung mapatunayang nagkasala, siya ay nararapat ng matanggal sa puwesto.

Hindi naman siya makukulong.

Matatanggal lang siya sa gobyerno at papalitan bilang bise presidente.

Ang masakit lang, perpetually banned na siyang humawak ng anumang puwesto sa gobyerno.

Hindi na siya makatatakbo sa pagka-Pangulo sa May 2028 elections.

Iyon nga lang, paano naman kung mag-resign si VP Sara.

Pagkatapos ay tumakbo sa Korte Suprema para i-question kung bakit hindi na siya puwedeng kumandito sa darating na halalan.

Baka sabihin niyang hindi naman siya natanggal sa pamamagitan ng impeachment dahil nagbitiw siya bago ang conviction.

Kahit suntok sa buwan, baka ganito ang gawin ng kampo ni VP Sara.

(Para sa inyong komento at pagbati, mag-text sa:+639178624484/ email:philipreyes08@yahoo.com.)