Vic Reyes

BOC lalo pang paiigtingin ang trabaho

Vic Reyes Jul 1, 2026
37 Views

MASAYANG araw sa ating mga suki, lalo na sa mga kababayan natin sa Japan.

Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.

Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki, Mama Aki ng Ihawan, Glenn Raganas, Patricia Coronel, La Dy Pinky, Endo Yumi, , Roana San Jose, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Josie Gelo, Hiroki Hayashi, at Hiroshi Katsumata.

Ganun din kina Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman; Nida Reyes, Dolores Monfero at Delia Sunga ng Saudi Arabia.

God bless sa inyong lahat!

***

Ang Bureau of Customs (BOC), na nasa ilalim ng Department of Finance (DOF), ay hindi lang revenue collector, smuggler hunter at tagapangalaga ng border security.

Para rin itong Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Philippine Red Cross (PRC) na pinamumunuan nina Secretary Rex Gatchalian at dating Senador Richard “Dick” Gordon, ayon sa pagkakasunod.

Ang dalawang ahensiyang ito ay namimigay ng tulong sa mga tao at grupo na nangangailangan ng ayuda sa panahon ng kalamidad.

Ang BOC, na pinamumunuan ni Commissioner Ariel F. Nepomuceno, ay lagi ring nakaagapay sa pagbigay ng tulong sa mga biktima ng kalamidad, partner-agencies sa gobyerno, kagaya ng Philippine Coast Guard (PCG).

Alam naman nating lahat na malaking tulong ang PCG sa kampanya ng gobyerno nasyonal laban sa ismagling at human trafficking.

Kaya namam nito lang Hunyo 16 ay nag-donate ang BOC-Port of Legazpi ng 1,783 litro ng forfeited diesel fuel sa PCG District Bicol.

Ang donasyon ay bahagi ng “unmarked diesel fuel” o “krudo” na kinumpiska ng BOC at Bureau of Internal Revenue (BIR) sa isang joint operation.

Ang lahat ng “unmarked fuel” ay subject to forfeiture kagaya ng isinasaad nlsa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Ang hindi namarkahang krudo ay puwedeng i-dispose sa pamamagitan ng donation sa isang government agency na may pahintulot ng DOF secretary.

“As a deputized agency of the BOC, the PCGF District Bicol serves as a key partner in enforcing customs regulations and preventing illicit maritime activities, such as smuggling and human trafficking,” said District Collector Guillermo Pedro Francia IV of the Port of Legazpi.

Ayon kay Collector Francia, malaking tulong ang donasyon ng BOC para mapalakas ang seaborne patrols na ginagawa ng Port of Legazpi.”

Ang mga opisyal at tauhan ng BOC ay “guided” ng “Integrity, Accountability and Modernization (IAM)” program ni Commissioner Nepomuceno.

Inaasahan na lalo pang pag-iigihin ng mga taga-BOC ang kanilang mga trabaho.

***

Sa Lunes, Hulyo 6, ay magsisimula na ang impeachment trial ni Bise Presidente Sara Z. Duterte.

Sana huwag gamiting dahilan ang trial ni VP Sara sa Senado para maantala ang implementasyon ng mga programa at proyekto ng gobyerno.

Pabayaan nating umusad ang kaso dahil constitutional duty ito ng mga miyembro ng Senado.

Kung talagang lumabag siya sa Saligang Batas kagaya ng ibinibintang ng mga kongresista ay kailangan siyang matanggal sa puwesto.

***

Dahil panahon ng tag-ulan sa bansa, inaasahang marami sa kababayan natin ang magkakasakit ng leptospirosis, ubo, trangkaso at diarrhea.

Huwag natin pabayaan ang mga bata na maglaro sa mga lugar na may tubig baha dahil delikado ito.

Ang leptospirosis ay nakukuha kapag nakaapak tayo sa mga tubig baha na naihian ng daga.

Hindi biro ang leptospirosis dahil nakamamatay ito kung hindi ito maagapan.

At sana naman ay may mga mahihinging gamot ang mga residente sa mga barangay health centers.

Marami sa mga mahihirap ang walang pamasahe para magpagamot sa health centers sa bayan.

Sobra kasing maningil ng pamasahe ang mga tricycle drivers kahit alam nilang walang-wala ang mga kababayan nila.

(Para sainying komento at pagbati, mag-text sa #09178624484/ email:philipreyes08@yahoo.com.)