Karlo Nograles

Nograles tatahak sa panibagong landas

2 Views

NAGBITIW sa puwesto si Civil Service Commission (CSC) chairperson Karlo Alexei Nograles.

Sa liham ni Nograles kay Pang. Ferdinand Marcos Jr., binanggit na epektibo ang kanyang pagbibitiw sa pwesto, Oktubre 7.

Wala namang binanggit si Nograles na malinaw na rason sa kanyang pagbibitiw sa tungkulin pero sinasabing kakandidato ito sa 2025 elections.

Inamin kasi ng kalihim sa kanyang liham sa Pangulong Marcos na tatahak siya sa isang panibagong landas ng serbisyo publiko dahilan upang lisanin niya ang kanyang departamento.

Matatandaang si Nograles ay itinalaga ng Pangulo bilang CSC chief noong 2022.

Nagpasalamat naman kay Pangulong Marcos si Nograles sa pagkakataong ibinigay nito para makapagsilbi sa bayan.

Samantala, wala pang pahayag ang Malakanyang kung tinanggap ni Pangulong Marcos ang resignation ng kalihim. Nina Chona Yu at Ryan Ponce Pacpaco