Calendar

NUP ibinuhos suporta kay Romualdez bilang Speaker sa 20th Congress
IBINIGAY ng National Unity Party (NUP) ang buong suporta nito kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez upang manatiling lider ng Kamara de Representantes sa paparating na ika-20 Kongreso, upang matiyak ang pagpapatuloy ng Bagong Pilipinas vision ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos para sa mas maayos na buhay ng lahat ng Pilipino.
“The NUP supports 100% the continuity of the Bagong Pilipinas agenda of President Marcos of better lives for all Filipinos in the second half of his presidency,” ayon kay Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte, pangulo ng NUP, “and for the House to help stay the course of this pro-poor and pro-growth vision in the Congress, it is crucial for Speaker Martin to remain at the helm of the bigger chamber to continue shepherding the passage of the priority bills of this Administration meant to spell high, inclusive and sustainable growth.”
“A leadership shakeup could only put this Administration’s priority agenda at serious risk in the House of Representative, possibly leading to irreversible legislative drift in the remaining half of the Marcos presidency,” dagdag pa ni Villafuerte, ang outgoing na kinatawan ng Camarines Sur na may-akda o co-author ng maraming batas na maka-mahirap at pangkaunlaran sa ilalim ng administrasyong Marcos.
Bago mag-adjourn ang 19th Congress para sa midterm elections, naaprubahan ng Kamara, sa ilalim ng pamumuno ni Romualdez, ang 88 batas na may pambansang kahalagahan, kabilang ang mga itinuturing na priority bills ng Pangulo at ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).
Nakapagpasa rin ang Kamara ng 61 sa 64 na panukalang batas sa ilalim ng Common Legislative Agenda (CLA) na itinakda ng House, kabilang ang 27 sa 28 panukala na kinilala ng LEDAC.
Si Villafuerte ay may-akda o co-author ng 20 sa 27 na LEDAC priority measures na naipasa ng Kamara.
“As one idiom goes: ‘If it ain’t broke, don’t fix it,'” ani Villafuerte.
Binigyang-diin niya na “leadership continuity is so essential at this point, given that Filipinos have started to reap the benefits of the initiatives that have been carried out in the first three years of the Marcos presidency to improve their lives.”
Halimbawa, ayon sa kanya, ang mga batas na may kinalaman sa bigas at mga inisyatibo ng Malacañang na ipinasa o sinuportahan ng Kongreso ay nagbigay-daan sa pamahalaan upang makapagsimula ng pagbebenta ng dekalidad na bigas sa halagang P20 kada kilo, na katuparan ng pangakong ipinahayag ng Pangulo noong kampanya noong 2022.
Dumalo rin sa isang leadership meeting sa Makati Shangri-La Hotel noong Biyernes ang mga lider ng mga partidong sumusuporta sa administrasyon, kabilang ang NUP.
Ito ang kauna-unahang caucus matapos ang halalan upang talakayin ang mga prayoridad na agenda sa batas ng Kamara sa ika-20 Kongreso.
Kabilang sa mga dumalo sa nasabing caucus sina Villafuerte at ang chairman ng NUP na si Ronaldo Puno, ang kongresistang nahalal sa Antipolo City.
Sa kasalukuyan, ang NUP, na may 34 miyembro, ay ang ikalawang pinakamalaking political bloc sa Kongreso, kasunod ng pinamumunuang Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) ni Speaker Romualdez.