Sak2 Sinisiyasat ni Police Capt. Dennis Turla ang report sa pananaksak sa loob ng inuman sa Sampaloc, Manila kung saan namatay ang isang obrero.

Obrero todas sa inuman na nauwi sa tarakan

Jon-jon Reyes Sep 9, 2024
87 Views

PATAY ang obrero na sinaksak ng kapwa obrero sa beerhouse sa Blumentritt Road, Sampaloc, Manila noong Lunes.

Timbog ang suspek na nakilalang si Efer Adansa, 24, at patay si John Paul Ordejon dahil sa pananaksak niya.

Base sa ulat ni Police Capt. Dennis Turla, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-12:35 ng madaling araw naganap ang insidente sa naturang beerhouse sa nasabing lugar.

Sa report ni Det. Jason Ibasco, may hawak ng kaso, habang nag-iinuman ang grupo ng biktima at suspek, nagkaroon ng pagtatalo hanggang sa saksakin ng suspek ang biktima na nag resulta sa kamatayan.