OFW Hospital 3 taon na

Jun I Legaspi May 2, 2025
77 Views

IPINAGDIWANG ng OFW Hospital ang ika-tatlong anibersaryo nito na may temang “Tatlong Taon, Serbisyo Alay ng Kawaning Pangkalusugan sa mga Bagong Bayani.”

Ang pagdiriwang pagpupugay sa dedikasyon ng mga manggagawang pangkalusugan at Overseas Filipino Workers (OFWs) na patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa bansa.

Pinangunahan ni Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo J. Cacdac ang pagdiriwang at kinilala ang tagumpay ng ospital.

Binigyang-diin din ni Cacdac ang mahalagang papel ng mga nurse manager at dating OFWs na ngayon ay bahagi na ng hospital workforce:

“We know we are in good hands—these professionals have walked the same path as our patients,” dagdag pa niya.

Sa mensahe ni DBM Undersecretary Goddes Hope Libiran, kanyang sinabi na: “Ang gusaling ito konkretong patunay na ang ating gobyerno ay nagmamalasakit sa ating mga OFWs.

Araw-araw na naglilingkod at nagbibigay dangal sa ating bansa saanman sila naroroon.”

Binuksan ni Dr. Patrick Louie Maglaya, OIC Chief ng OFW Hospital, ang programa sa pamamagitan ng pasasalamat sa lahat ng empleyado—mula sa opisina hanggang sa mga security guard—na patuloy na nagbibigay-serbisyo.

Ipinakita rin sa selebrasyon ang mga serbisyong medikal na natapos sa mismong araw tulad ng dialysis surgery, habang pinarangalan din ang pharmacy unit para sa maayos na sistema ng pagbabantay ng gamot.

Pinarangalan sina Dr. Gerardo “Gap” Legazpi, direktor ng PGH, at Undersecretary Dominique “Nikki” Rubia-Tutay sa kanilang mahalagang ambag sa pagtatatag ng ospital.

Layunin ng institusyon na maitaas sa Level 2 classification at makapagtayo ng mga specialized unit gaya ng Cancer Care Unit at PEME Center para sa mga seafarer at land-based workers.

Binigyang-diin ni Secretary Cacdac ang matibay na ugnayan sa pagitan ng DMW, DBM, at DOH sa pagtatatag ng makabagong ospital: “We are not just building structures; we are nurturing hope and healing for our modern-day heroes and their families.”

Pinarangalan din sa okasyon ang mga OFWs, marino at kawani ng kalusugan na may malalim na koneksyon sa overseas work.

Ibinahagi nila ang kani-kanilang kwento na lalong nagbigay-kulay at kahulugan sa selebrasyon.