Magsino

OFW Party List Group umaasa na muling mapapasama sa pangalawang SONA ni PBBM ang policy direction nito para sa mga OFWs

Mar Rodriguez Jun 3, 2023
157 Views

OPTIMISTIKO ang One Filipinos Worldwide (OFW) Party List group sa Kamara de Representantes na muling mapapasama sa ika-dalawang Sate of the Nation Address (SONA) ni President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. ang “policy direction” ng administrasyon nito para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Sa panayam ng People’s Taliba, sinabi ni OFW Party List Congresswoman Marissa “Del Mar” P. Magsino na muling siyang umaasa na mapapasama sa SONA ni Pangulong Marcos, Jr. ang policy directions nito para sa mga Pilipinong manggagawa partikular na sa kahalagahan ng mga OFWs.

Ipinaliwanag ni Magsino na mahalagang mabanggit ng Pangulo sa kaniyang SONA ang kahalagahan ng mga OFWs at kung papaano umanong makaka-agapay ang pamahalaan para sa kanilang mga pangangailangan. Sa gitna ng mga ksalukuyang issues na kinakaharap ng mga OFWs sa ibayong dagat.

Ayon kay Magsino, inaasahan nito na mabibigyang diin sa pangalawang SONA ni Pangulong Marcos, Jr. ang malaking kontribusyon na naiaambag ng mga OFWs sa ekonomiya ng bansa at ang magiging katugunan naman ng pamahalaan para pahalagahan ang kanilang kapakanan.

“Nais natin mabigyang diin ang malaking kontribusyon ng ating mga OFWs sa ating ekonomiya at ito’y kailangan suklian ng pagpapahalaga sa kanilang kapakanan sa pamamagitan ng mga programa at polisiya,” sabi ni Magsino sa panayam ng People’s Taliba.

Sinabi pa ni Magsino na sa kauna-unahang SONA ni Pangulong Marcos, Jr. noong nakaraang taon. Binigyang diin aniya nito sa kaniyang talumpati ang kahalagahan sa pagsusulong o pagpo-promote sa welfare o kagalingan ng mga OFWs sa pamamagitan ng mabilis na pagpo-proseso sa kanilang mga dokumento.

“In his first SONA. The President stressed the importance of promoting the welfare of our OFWs, especially in how our government institutions should make their processes easier for them. Offering digital services to our OFWs for processing of their requirements,” ayon pa kay Magsino.