Millar

OWWA Region 3 nagsagawa ng education at training para sa mga OFWs na nag-apply para sa SESP

Mar Rodriguez Jun 4, 2023
122 Views

Millar1MillarNAGSAGAWA ng education at training ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Region 3 sa ilalim ng pamumuno ni Regional Director Atty. Falconi “Ace” V. Millar para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagsumite ng kanilang application para sa Skills for Employment Scholarship Program (SESP) and Seafarer’s Upgrading Program (SUP).

Nabatid ng People’s Taliba kay Atty. Millar na ang matapos sumailalim sa nasabing education at training ang mga OFWs ay ibinigay na sa kanila ang kanilang Notice of Award (NOA) na nagpapatunay na natapos nila ang nabanggit na kurso.

Ipinaliwanag ni Millar na ang SESP ay isang maikling training program para sa mga OFWs na pinangasiwaan naman ng Technical Educations Skills Development Authority (TESDA) para sanayin ang mga Pilipinong manggagawa.

Sinabi pa ni Millar na puspusan ang kanilang pagsisikap na matulungan ang OFWs sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga kahalintulad na education at training seminars sa pakikipag-ugnayan sa TESDA.