Loren

One tablet, one student isinusulong ni Legarda

199 Views

IMINUNGKAHI ni Senadora Loren Legarda ang kahalagahan ng pagbibigay ng computer sa kada isang estudyante sa bawat Pilipino na mag-aaral upang aniya ay makasabay sa daloy ng kasalukuyan edukasyon sa ilalim ng kanyang Senate Bill No. 1 o mas kilala bilang “One Tablet, One Student Act of 2022”.

Sa ilalim nito ay bibigyan ang kada isang estudyante sa elementarya at sa high school na level sa mga pampublikong paaralan at gayundin sa mga State Universities at Colleges (SUCs), lalo pa aniya at marami pa rin ang mas gustong ituloy ang online learning system dahil na rin sa epekto ng pandemya.

“By giving the students their much-needed device for learning, they would be able to participate effectively in their classes, and thus, we give them the opportunity to acquire more knowledge and become skilled after they graduate. It is one way of making quality education accessible to all, especially to those who cannot afford to buy their own gadgets,” ani Legarda.

Ayon sa nagbabalik na senadora, dapat lamang din na bigyan ng karagdagan allowance ng gobyerno ang mga kabataan bilang internet allowance upang hindi maantala ang kanilang koneksyon habang nagsisipag-aral.

Sa ilalim ng kanyang panukala, ang DepEd gayundin ang Commission on Higher Education (CHED) ang syang nakatalaga upang isagawa and distribusyon ng computer tablet sa mga mag–aral na kwalipikado upang matulungan ang mga ito sa panuntunan na dapat nilang gawin at maintindihan.

Gayundin, ang mga Lokal na pamahalaan ay inaasahan na makikipag tulungan sa ilalim ng Department of Interior and Local Government (DILG) at ng Department of Information and Communications Technology (DICT), upang maibahagi sa taong bayan ang mga detalye, batas at regulasyon alinsunod sa implementasyon ng nasabing programa ng gobyerno.

Bagamat nagpahayag na ang DepEd ng face-to-face classes ngayon Nobyembre, ay naniniwala pa rin si Legarda na kailangan ang ganitong uri ng programa dahil aniya sa maya’t-mayang pagtaas ng Covid kung saan ay malaki ang magiging tulong ng “One Tablet, One Student” program sakaling kinakailangan na pumirmi muna ng bahay ang mga bata depende sa sitwasyon ng pandemya.

“The pandemic is not yet over. With the current trend in COVID-19 cases in our country and as new variants of the virus continue to emerge, we cannot guarantee that we will no longer need to revert to online learning. So, we are pushing for this bill in the Senate,” giit ni Legarda.

Idinagdag pa ni Legarda na sa kasalukuyan sitwasyon na taas baba ang mga kaso ng Covid, tama lamang aniya na may mga alternatibong pamamaaan upang hindi maudlot ang pag-aaral ng mga kabataan.

“Every Filipino has the right to excellent education, and we are responsible for giving what is due to our people. We should allow the youth to learn and help them reach their full potential. As I always say, there is no greater investment than education to alleviate poverty and build a sustainable and progressive nation,” paliwanag ni Legarda.