ONG Sa Senado: Salamat

622 Views

NAGPAABOT ng kanyang pasasalamat sa Senado si Summer Ong, asawa ng Pharmally Executive na si Linconn Ong, dahil sa pagpapakita ng konsiderasyon ng mga senador na pansamantalang makalaya ang huli upang mabisita ang anak na may sakit.

Sa liham na ipinadala ni Ginang Ong sa Senado sinabi nito na ikinagagalak nilang mag -anak ang konsiderasyon ng mga senador sa kasalukuyang sitwasyong kinahaharap ng kanilang pamilya, aniya, bagamat nakalabas na ng ospital ang dalawang-taong gulang na anak dahil sa dengue ay hindi pa rin ito tuluyang nakakarekober.

Partikular na nagpasalamant si Ginang Ong kay Blue Ribbon Committee Chairman Sen Dick Gordon at sa tandem nina Presidential candidate Sen Panfilo Lacson at Vice Presidential bet Senate President Tito Sotto dahil sa pag-unawa sa kalagayan ng anak.

“I wish to express my heartfelt gratitude to Senate President Tito Sotto and to Senator Panfilo Lacson for the kind words and understanding of my fervent request on behalf of my son. I also wish to thank Senator Richard Gordon and the Blue Ribbon committee in advance for whatever consideration they are willing to provide for my husband Linconn Ong,” nakasaad sa liham ni Ginang Ong.

Sinabi ni Ginang Ong na malaking tulong ang pansamantalang pagpapalaya sa asawa para ikabubuti ng kalagayan ng kanilang anak, kasabay nito ay tiniyak ni Ginang Ong sa mga senador ang kahandaan ng kanilang pamilya na harapin ang anumang isasampang kaso kaugnay sa Pharmally issue.

“Our son, by the grace of God has been discharged from the hospital and will continue to be monitored at home. Hopefully he can derive more strength from spending time with his daddy and recover faster. We do implore the kind Senators to please let my husband stay home in the meantime to help rebuild our family, our lives, and to prepare us to face whatever may come. As I have said in my letters, let me assure you, as one family, we are willing to face whatever challenges and trials together” nakasaad pa sa liham ni Ginang Ong.

Maliban kina Sotto, Lacson at Diokno ay pabor din si Sen Risa Hontiveros na pansamantalang palayain na si Ong na may 5 buwan nang nakakulong.

Si Ong kasama ang isa pang opisyal ng Pharmally na si Mohit Dargani ay kasalukuyang nakapiit sa Pasay City Jail matapos silang i-contempt ng Senate Blue Ribbon Committee noong pang Setyembre 2021 sa kasagsagan ng Senate Investigation sa Pharmally mess.