Tanjusay

TUCP suportado BBM-Sara UniTeam

Jun I Legaspi Feb 20, 2022
266 Views

MATAPOS kunin ang pulso ng kanilang mga miyembro, inanunsyo ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ang pagsuporta nito kina presidential candidate Ferdinand Marcos Jr. at vice presidential candidate Sara Duterte.

Ayon kay TUCP President at party-list Rep. Raymond Mendoza isang pormal na pag-endorso ang isasagawa ngayong linggo kasabay ang paglalabas ng pangalan ng mga susuportahan nitong mga kandidato sa pagkasenador.

Sinabi naman ni Alan Tanjusay, spokesman ng TUCP na mayorya ng kanilang mga miyembro ang pumili kina Marcos at Duterte sa kanilang isinagawang online at hybrid face-to-face at combined caucus na sinimulan bago matapos ang 2021 at tumanggal hanggang noong nakaraang linggo.

Malaki umano ang naging kalamangan nina Marcos at Duterte sa kani-kanilang kalaban.

“The vote advantage of Mr. Marcos and Ms. Duterte and with those four other pair of presidential and vice-presidential aspirants was very wide. It was an overwhelmingly majority decision in all caucuses held differently in Luzon, Visayas and Mindanao,” sabi ni Tanjusay.