Calendar
Online driver’s license para sa mga OFWs, Pinoys sa abroad ikinagalak ng Committee on Metro Manila Development
๐๐๐๐๐ก๐ c๐ต๐ฎ๐ถ๐ฟ๐บ๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐๐ผ๐๐๐ฒ ๐๐ผ๐บ๐บ๐ถ๐๐๐ฒ๐ฒ ๐ผ๐ป ๐ ๐ฒ๐๐ฟ๐ผ ๐ ๐ฎ๐ป๐ถ๐น๐ฎ ๐๐ฒ๐๐ฒ๐น๐ผ๐ฝ๐บ๐ฒ๐ป๐, i๐ธ๐ถ๐ป๐ฎ๐ด๐ฎ๐ด๐ฎ๐น๐ฎ๐ธ ๐ป๐ถ ๐ ๐ฎ๐ป๐ถ๐น๐ฎ ๐ฎ๐ป๐ฑ ๐๐ถ๐๐. ๐๐ผ๐ป๐ด. ๐ฅ๐ผ๐น๐ฎ๐ป๐ฑ๐ผ “๐๐ฅ๐ฉ” ๐ . ๐ฉ๐ฎ๐น๐ฒ๐ฟ๐ถ๐ฎ๐ป๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ถ๐ป๐ถ๐น๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐ฟ๐ผ๐ด๐ฟ๐ฎ๐บ๐ฎ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ป๐ฑ ๐ง๐ฟ๐ฎ๐ป๐๐ฝ๐ผ๐ฟ๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ข๐ณ๐ณ๐ถ๐ฐ๐ฒ (๐๐ง๐ข) ๐ฝ๐ฎ๐๐๐ป๐ด๐ธ๐ผ๐น ๐๐ฎ “๐ผ๐ป๐น๐ถ๐ป๐ฒ ๐ฑ๐ฟ๐ถ๐๐ฒ๐ฟ’๐ ๐น๐ถ๐ฐ๐ฒ๐ป๐๐ฒ” ๐ฝ๐ฎ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ข๐๐ฒ๐ฟ๐๐ฒ๐ฎ๐ ๐๐ถ๐น๐ถ๐ฝ๐ถ๐ป๐ผ ๐ช๐ผ๐ฟ๐ธ๐ฒ๐ฟ๐ (๐ข๐๐ช๐) ๐ฎ๐ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฃ๐ถ๐ป๐ผ๐ ๐ป๐ฎ ๐ป๐ฎ๐ป๐ถ๐ป๐ถ๐ฟ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป ๐๐ฎ ๐ฎ๐ฏ๐ฟ๐ผ๐ฎ๐ฑ.
Sinabi ni Valeriano na napakaganda ng programa na nakatakdang ipatupad ng LTO hinggil sa tinatawag na “full digitalization” ng kanilang serbisyo sa pamamagitan ng online renewal ng driver’s license para sa lahat ng motorista nasa ibayong dagat man o nasa Pilipinas.
Kasabay nito, pinapurihan din ni Valeriano si President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. dahil sa naging utos nito upang maipatupad ang programang full digitalization ng LTO na naglalayong pabilisin at gawing epektibo ang lahat ng serbisyo ng pamahalaan para sa lahat ng Pilipino.
Paliwanag pa ng kongresista na sa pamamagitan ng online renewal ng driver’s license na ipatutupad ng LTO, mas pinapadali at pinapagaan nito ang nasabing proseso hindi lamang para sa mga Pinoy na nasa Pilipinas. Bagkos para sa mga OFWs at Pilipinong naninirahan sa iba’t-ibang panig ng mundo.
Ayon pa kay Valeriano, ikinagagalak nito ang naturang programa ng LTO sapagkat nilalayon din nito na mailapit ang serbisyo ng pamahalaan sa mga mamamayan.