Calendar
Opisyal na serbisyo ng BRP Melchora Aquino simula na
NAGSIMULA na ang opisyal na pagseserbisyo ng BRP Melchora Aquino ngayong Hunyo 12.
Ang BRP Melchora Aquino ay ang pinakabagong multi-role response vessel (MRRV) ng Philippine Coast Guard (PCG).
Binasa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang commission order ng barko sa isang seremonya sa Pier 15 ng South Harbor, Manila.
Binili ng Department of Transportation (DOTr) ang BRP Melchora Aquino bilang bahagi ng Maritime Safety Capability Improvement Project (MSCIP) Phase 2. Inutang ito sa Japan International Cooperation Agency.
Palalakasin umano ng bagong barko ng PCG ang pagbabantay sa teritoryo ng bans partikular sa West Philippine Sea at Philippine Rise.
Bukod sa pagpapatrolya ay maaari rin itong gamitin sa humanitarian at disaster response operation kapag may kalamidad.
Ang sasakyang pangdagat na ito ay katulad ng Kunigami-class vessel ng Japan Coast Guard.
Ang BRP Melchora Aquino ang ikalawang 97-meter MRRV ng PCG. Ang una ay ang BRP Teresa Magbanua na kinomisyon sa serbisyo ng PCG noong Mayo 2.