Ormoc pinuri ni PBBM sa makamahirap na mga programa

172 Views

PINURI ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang city government ng Ormoc dahil sa narating ng siyudad at mga programa nito na nakatutulong sa mga mahihirap.

Sa kanyang talumpati sa ika-75 Charter Day Celebration ng Ormoc City, binigyan-diin ni Marcos ang halaga ng ginagawa ng lungsod na tutukan ang edukasyon at tulungan ang mga residente na maging maayos ang kanilang mga buhay.

“Aside from these facets, it is likewise commendable that you give emphasis to initiatives that also address your vulnerability to natural hazards and climate change,” sabi ng Pangulo na ang tinutukoy ay ang pagpapatupad ng Local Climate Change Action Plan 2016-2025.

Pinuri rin ni Marcos ang pagbibigay ng atensyon ng siyudad sa paggamit ng renewable energy upang mabawasan ang paggamit ng fossil fuel.

“I look forward to these advancements that will yield to bounties beneficial to the environment, our economy, and our people,” ani Marcos.

Binigyang halaga rin ng Pangulo ang pakikipag-partner ng siyudad sa Commission on Population and Development sa pagpapatupad ng Social Protection Program for Adolescent Mothers and their Children.

Muli ring inulit ng Pangulo ang pagsuporta nito sa Ormoc City upang mapabuti ang kalagayan ng mga residente nito.