Martin

OTOP ginawa para sa post-pandemic recovery ng MSMEs—Speaker Romualdez

Mar Rodriguez Sep 3, 2023
189 Views

ANG One Town, One Product (OTOP) Philippines Act, na naisabatas kamakailan ay ginawa umano upang tulungan ang mga micro, small, and medium enterprises (MSME) na makabangon mula sa epekto ng Covid-19 pandemic, ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.

“The OTOP Philippines Act is the true embodiment of the Filipino first policy. This is exactly the kind of attitude we need to aid in the recovery of MSMEs, which make up 90 percent of all local business, following the pandemic,” ani Speaker Romualdez, lider ng Kamara de Representantes na may 311 miyembro.

Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Republic Act (RA) No. 11960 o ang “Act Institutionalizing the OTOP Philippines Program” noong Agosto 25.

Ang bagong batas ay naglalayong makalikha ng ekonomiya na kayang tumayo sa sarili at kontrolado ng mga Pilipino sa pamamagitan ng mga polisiya at programa na magpapalakas sa aktibidad ng mga lokal na negosyo at magpapa-angat sa ekonomiya.

“The State shall likewise promote the preferential use of Filipino labor, domestic materials, and locally produced goods, and adopt measures to make them competitive,” sabi sa bagong batas.

“The OTOP Philippines Program is hereby institutionalized and shall be one of the government’s stimulus programs that will encourage the growth of MSMEs in the countryside through the development of indigenous raw materials, utilizing local skills and talents and featuring local traditions across the country; Provided, that simplified requirements and procedures shall be adopted for beneficiaries to easily access the components of the program,” sabi pa sa RA 11960.

Saklaw ng OTOP Philippines Program ang mga produkto at mga skills-based na serbisyo na kilala sa partikular na lugar. Kasama dito ang pagproseso ng pagkain, mga agricultural-based product, home at fashion products, arts at crafts, at skills-based services.

Kumpiyansa si “The OTOP Program will redound not just to the individual localities or regions, but the entire country itself in an expedited manner,” kumpiyansang pahayag ni Speaker Romualdez.

Ayon kay Speaker Romualdez kinikilala ng RA 11960 ang mahalagang papel ng pribadong sektor at ang pagtulong rito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga insentibo upang malinang ang kanilang negosyo partikular ang mga MSME.

Ang bagong batas ay nagbibigay ng package ng ayuda sa mga MSME upang makalikha ng mga bago, at de kalidad na produkto na kayang lumaban sa mga produktong gawa sa ibang bansa.

“It also aims to assist rural communities in growing the local economy and being more market-oriented and innovation-driven, as well as promote convergence of initiatives from local government units (LGUs), national government agencies, and the private sector in developing and promoting Philippine products, whether for export of the domestic market,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.

Ayon sa bagong batas ang Department of Trade and Industry (DTI) ang mangunguna sa pagpapatupad ng OTOP Philippines Program. Itatayo nito ang OTOP Program Management Office na siyang magbabantay sa pagpapatupad ng programa.

Ang DTI ay inatasan din na itayo ang OTOP Philippines Trustmark, na makikita sa mga produktong nakapasa sa pamantayang itatakda.

Ang mga regional at provincial office ng DTI, sa tulong ng mga lokal na pamahalaan, ang siyang tutukoy sa mga benepisyaryo ng OTOP program. (END)