Calendar
OTS Administrator Undersecretary Gilberto DC Cruz
OTS pinakita ang paglilingkod ng may puso, gintong kuwintas naibalik sa pasahero

IDINIIN ni Office for Transportation Security (OTS) Administrator Undersecretary Gilberto DC Cruz ang pangako ng ahensiya na maglingkod ng may puso at integridad matapos maibalik gintong kuwintas sa isang pasahero nitong Miyerkules sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 (NAIA 3) sa Pasay City.
Ayon sa ulat, naibalik ni Office for Transportation Security Security Screening Officer (TSO-SSO) Rosemarie Terciano ang gintong kwintas na naiwan pasaherong patungong Tokyo sakay ng Flight JL746 ng Japan Airlines sa nasabing paliparan.
Natagpuan ni Terciano ang kwintas sa sahig ng security screening checkpoint at agad itong iniulat sa kanyang checkpoint supervisor na si Rechelle Olegario, na siyang nag-ingat sa nasabing alahas.
Matapos ang mabilis na koordinasyon at beripikasyon, matagumpay na natunton ng grupo ang pasahero at naibalik sa kanya ang kuwintas.
Ibinahagi ng pasahero na lalong tumibay ang kanyang pagpapahalaga sa katapatan ng mga Pilipino dahil sa karanasang ito. Ipinaabot rin niya ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa grupo ng OTS sa pagtiyak na maibabalik nang ligtas ang kanyang mahalagang kuwintas.
Ang matagumpay na pagbawi at pagbabalik ng item ay sumasalamin sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. para sa higit na transparency, katapatan, at pananagutan sa mga ahensya ng gobyerno.
Sinabi ni Cruz na ang insidente ay nagpapakita ng integridad at propesyonalismo na inaasahang itataguyod ng bawat OTS SSO.
“Ang bawat gamit na tapat na ibinabalik ay kumakatawan sa aming pangako sa paglilingkod sa publiko nang may integridad.
Higit pa sa pagprotekta sa aming mga paliparan, sinisikap naming bigyan ang bawat manlalakbay ng kumpiyansa na ang mga tauhan ng OTS ay palaging gagawin ang tama. Ang mga pang-araw-araw na gawaing ito ng katapatan ay nagpapalakas ng tiwala ng publiko at sumasalamin sa mga pinahahalagahang nagpapahalaga sa aming serbisyo,” sabi ni Usec. Cruz.

