Valeriano1

OVP staff hinihikayat na lumantad at makipagtulungan sa Blue Ribbon Committee ng Kamara

Mar Rodriguez Nov 14, 2024
63 Views

HINIKAYAT ni Manila 2nd Dist. Rep. Rolando “CRV” M. Valeriano ang mga kawani ng Office of the Vice President (OVP) na lumantad at magbigay ng imporasyon sa Blue Ribbon Committee ng Kamara de Representantes patungkol sa kanilang mga nalalaman hinggil sa kontrobersiyal na Confidential Intelligence Fund (CIF) ni Vice President Inday Sara Duterte.

Ayon kay Valeriano, Chairman ng House Committee on Metro Manila Development, napakahalagang makipag-tulungan ang staff o regular employees ng OVP upang magbigay linaw sa kontrobersiyal na CIF na kinukuwestiyon ng mga kongresista.

Sabi ni Valeriano na ang tinutukoy nitong mga staff ay ang mga tauhan ng OVP na may direktang nalalaman kung papaano at saan ginastos ni VP Sara Duterte ang naturang po pondo na nagkakahalaga ng P500 million taliwas sa mga report na inilabas ng kampo ng Pangalawang Pangulo.

Ipinahayag ng kongresista na sakaling natatakot lumantad at magbigay ng testimonya ang mga staff ng OVP, maaari naman silang isailalim sa Witness Protection Program (WPP) ng pamahalaan upang mabigyan sila ng kaukulang proteksiyon kasama na ang kanilang pamilya.

Ang pahayag ni Valeriano ay kaugnay sa naging press conference ni VP Sara kung saan lumalabas aniya na mistulang tinatakot o nais nitong patahimikin ang mga potensiyal na saksi o whistleblowers na magtatangkang magbigay ng kanilang testimonya sa imbestogasyon ng Blue Ribbon Committee ng Kamara.

“That press conference by VP Sara Duterte can be a veiled attempt at threatening and silencing witnesses and whistleblowers. It’s time for the the OVP staff to come out of hiding. If the safety of your families is your concern, there are ways to keep them safe,’ wika ni Valeriano.

Naniniwala si Valeriano na ang naging pahayag ni VP Sara sa kaniyang press conference ay maaaring nasusukol na siya sapagkat kahit hindi ito dumalo sa pagdinig ng naturang Komite ay unti-unti naman sumasambulat kung papaano nito ginastos at kung ano-ano ang pinagka-gastusan ng P500 milyon na CIF ng OVP at Department of Education (DepEd).

Kasabay nito, ipinagmalaki ni Valeriano na mahigpit nitong sinusuportahan ang si Mayor Honey Lacuna dahil sa pagiging masinop at maalam nito sa “fiscal management” para sa pamamahala sa Lungsod ng Maynila.

Ipinagmalaki din ng mambabatas na napakaraming proyekto ang nagawa at naisulong na programa nito na kasalukuyang pinakikinabangan ng mga Manileño.