Statement

P10.5B budget ng OP inaprubahan ng Senado sa loob ng 10 minuto

126 Views

MASUSING paliwanag ang iniharap ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa panukalang P10.5 bilyong budget para sa Office of the President (OP) para sa taong 2025 noong Lunes, Setyembre 23, 2024 kung ay idinepensa nito sa Senado ang targetted budget ng punong ehekutibo sa taun 2025.

“Ang ating presensya rito ay nagpapakita ng commitment ng Pangulo na makipagtulungan sa Senado para isulong ang kapakanan ng ating mga mamamayan at pambansang interes,” ayon kay Bersamin sa pagdinig ng Senate Finance Subcommittee A.

Agad na inihain ni Senate President Pro Tempore Jose Jinggoy Ejercito Estrada ang agaran na pagtapos ng pagdinig at ang pagsumite ng panukalang budget ng OP sa plenaryo.

Binigyang-diin ni Estrada ang kahalagahan ng 2025 budget, na tinawag niyang “midterm budget” na mahalaga para ipagpatuloy ang mga programa ng administrasyon sa ilalim ng Philippine Development Plan 2023-2028.

“Halfway towards the culmination of his term, the President should be provided with a budget that will enable us to achieve our goals,” aniya, habang binibigyang-pansin ang positibong epekto ng mga inisyatibo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa agrikultura, ekonomiya, kalusugan, at edukasyon.

Natapos ang pagdinig sa loob lamang ng wala pang 10 minuto, kung saan kinilala ni Sen. Grace Poe ang mahalagang papel ng mga ahensya sa ilalim ng OP, kabilang dito ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), sa pagtugon sa mga isyu tulad ng illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Pinuri rin ni Sen. Poe ang bagong tatag na presidential office para sa proteksyon ng mga bata, na sinabing, “It’s high time for that, and many of us are very grateful to protect our children, the most vulnerable in society.”

Sa mabilis na pagtatapos ng pagdinig, ang P10.5 bilyong budget ng OP ay isusumite na sa plenaryo para sa pinal na pag-apruba ng nasabing budget para sa 2025.