Calendar
P137K shabu nakuha sa 6 na suspek na tulak
KALABOSO ang napala ng anim na suspek na sangkot sa pagbebenta ng ilegal na droga ng mahulihan noong Lunes ng mahigit 20 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P137,360 at isang baril sa 101 Buntong Palay Purok 1, Brgy. Silangan, San Mateo, Rizal.
Nagsagawa ng buy-bust sa isang bahay bandang las-10:12 ng gabi ang Drug Enforcement Team ng San Mateo Municipal Police Station at nasakote ang mga suspek na sina alyas Jimmy, alyas Arilyn, alyas Adrian, alyas Jayson, alyas Robert at alyas Ever.
Umabot sa 15 piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 20.2 gramo at may halagang P137,360, itim na coin purse; isang baril, limang bala, isang magazine, tatlong cellphone, sling bag, pera, at buy-bust money ang nasamsam sa mga naaresto.