BOC

P144.3M halaga ng shabu tinangkang ipuslit sa NAIA

205 Views

NAHARANG ng mga otoridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang bagahe na naglalaman ng P144.3 milyong halaga ng shabu.

Ayon sa Bureau of Customs (BOC) Port of NAIA naaresto ang may-ari ng bagahe na isang South African noong Agosto 19.

Galing umano ang lalaki sa South Africa at dumaan ng Qatar bago bumiyahe sa Maynila.

Sumailalim umano sa K-9 sweeping at X-ray scanning ang bagahe. Nang buksan ay nadiskubre ang 21.215 kilo ng shabu n nakatago rito.