Just In

Calendar

May 2025
M T W T F S S
 1234
567891011
12131415161718
19202122232425
262728293031  
Ang nadiskubreng plantasyon ng marijuana ng mga NBI agents.

P2.2M marijuana sinunog ng NBI-LADO agents sa Ilocos Sur

Jon-jon Reyes Dec 1, 2024
119 Views

BurningSINUNOG ng mga National Bureau of Investigation-Laoag District Office (NBI-LADO) agents ang mahigit P2.2 milyon na halaga ng ready-to- harvest marijuana sa Brgy. Licungan, Sugpon, Ilocos Sur kamakailan.

Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, nadiskubre ang malawak na marijuana dahil sa intelligence report mula sa La Union, Ilocos Sur at Benguet areas.

Handa na umanong anihin at ipamahagi sa mga “customers” ang mga marijuana, ayon kay Atty. Dante B. Bonoan, makaraang maberipika ang impormasyon.

Inabot ng 9 at kalahating oras bago narating ng mga NBI agents ang Brgy. Licungan.