BOC1

P2.65M shabu ipinuslit na kape naharang ng BOC

17 Views

NAHARANG ng Bureau of Customs – Port of Clark ang tangkang pagpupuslit ng P2.652 milyong halaga ng shabu na itinago sa coffee bean pouch.

Ang package ay nanggaling umano sa Estados Unidos at idineklara bilang “Gift Items Coffee Bags (Variety), Candy or Snacks.”

Nakita umano ng mga tauhan sa X-ray Inspection Project ang kahina-hinalang laman ng package kaya hinarang ito para sumailalim sa physical examination noong Disyembre 19.

Nang buksan ang package, nakita ng examiner ang apat na coffee bag na may lamang apat na vacuum-sealed transparent pouch kung saan itinago ang Methamphetamine Hydrochloride o shabu na tumitimbang ng 390 gramo.

Nagsagawa ng laboratory analysis ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at nakumpirma na shabu ang laman ng package.

Naglabas ng Warrant of Seizure and Detention laban sa package dahil sa paglabag sa Section 118(g), Section 119(d), at Section 1113 paragraphs f, i, at l (3 at 4) ng R.A. No. 10863, o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), kaugnay ng Comprehensive Dangerous Drugs Act o R.A. No. 9165.

Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., pinaigting ng BOC sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio ang kampanya laban sa iligal na droga at iba pang kontrabando na tinatangkang ipasok sa bansa.

“We place significant importance in upholding public health and safeguarding the country’s border against harmful substances, for it is the foundation of a thriving nation. The BOC’s unwavering efforts will sustain initiatives to dismantle nefarious activities orchestrated by illegal drug syndicates,” ani Rubio.