Calendar
Nagbigay ng pahayag si MPD Chief P/BGen. Arnold Santiago kaugnay sa buy-bust ng mga operatiba ng District Drugs Enforcement Unit at nakumpiska ang 400 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P2.72 million. JONJON C. REYES
P2.72M shabu nakuha sa 2 suspek na tulak
TIMBOG sa mga operatiba ng MPD Drug Enforcement Unit ang dalawang suspek na tulak at nakumpiska ang 400 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P2.72 milyon sa Muralla at Recoletos Sts., Intramuros, Maynila noong Huwebes.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mga suspek na sina alyas Mayor/ Erick, 44; at Cai, 52, ayon sa report.
Ayon sa report na ipinadala kay MPD Chief P/BGen. Arnold Santiago, bandang alas-12:15 ng hatinggabi nahuli ang 2 ng mga tauhan ng Manila Police District Drug Enforcement Unit (MPD-DEU).
Nagresulta din sa pagkumpiska ng humigit-kumulang 400 gramo ng shabu ang pagkahuli sa 2 na may halagang P2,720,000.
Siniguro ng mga pulis ang seguridad ng mga nakumpiskang gamit para sa nararapat na dokumentasyon.
Nakadetine ang mga suspek sa custodial facility ng MPD-DEU at ipinadala sa MPD-FU ang mga nakumpiskang ebidensya para sa pagsusuri.

