Calendar
P2.7M shabu nakuha sa 2 delivery rider, 2 tambay
APAT na mga bagong tukoy na high-value individuals (HVI), kabilang ang dalawang delivery rider, ang nakuhanan ng mahigit P2.7 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation Linggo ng gabi sa Las Piñas City.
Isinagawa ng mga tauhan ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Glenn Oliver Cinco ang buy-bust operation. dakong alas-6:50 ng gabi sa tabi ng pang-komersiyong establisimiento sa Diego Cera Avenue, Brgy Pulang Lupa Uno na nagresulta sa pagkakadakip kina alyas “Kalbo” 32, alyas “Jomar”, 30, kapuwa delivery rider, at dalawa pang tambay na sina alyas “Christian”, 22, at “Carl”, 25.
Nakumpiska sa apat ang may kabuuang 400 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P2,720,000, ang markadong salapi na nakapaloob sa puting envelope na ginamit sa operasyon, at mobile phone na gamit nila sa ilegal na transaksiyon.
Sasampahan ng pulisya ng mga kasong paglabag sa Sections 5 (Sale of Dangerous Drugs), 11 (Possession of Dangerous Drugs), at 26 (Conspiracy to Sell/Possess Dangerous Drugs) sa ilalim ng Article II ng R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na nakapiit na sa District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng SPD.

