Calendar

Provincial
P35M halaga ng nabubulok na karne nadiskubre ng DA
Peoples Taliba Editor
Jul 12, 2023
241
Views
NADISKUBRE ng Department of Agriculture ang P35 milyong halaga ng nabubulok na karne sa isang warehouse sa Meycauayan, Bulacan noong Hulyo 11, 2023.
Nagsagawa umano ng inspeksyon ang mga tauhan ng DA at Bureau of Customs (BOC) sa dalawang improvised cold storage facility sa Meycauayan Industrial Subdivision, Barangay Pantoc, Meycauayan, Bulacan, at doon nakita ang mga karne.
Nangangamoy na umano ang mga karne na posibleng inire-repack umano upang maibenta.
Walang tao sa lugar ng pumasok ang mga otoridad kasama ang mga tauhan ng homeowners association sa lugar.
Lupa gumuho sa peryahan sa Cotabato, lalaki dedo
May 14, 2025