BBM1 Pinuri at pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga kawani ng BOC, DTI at PCG matapos ang tagumpay na pagpuksa sa mga ilegal na kalakalan at nasamsam ang mga ilegal na vape sa loob ng Bureau of Customs.

P3B vape products winasak ni PBBM sa BOC compound

Jon-jon Reyes Apr 7, 2025
13 Views

BBM2PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pag inspeksiyon sa mga nasamsam na smuggled electronic vapes na may halagang mahigit P3 bilyon sa Bureau of Customs sa South Harbor, Port Area, Manila noong Lunes.

May kabuuang 2,977,925 piraso ng forfeited electronic vapes, kasama ang mga vape parts at accessories na nagkakahalaga ng P3.26 bilyon ang nakumpiska kasunod ng 10 seizure operations ng Port of Manila (POM), Manila International Container Port (MICP) at Intelligence Group (IG).

Ang operasyong bahagi ng pagsisikap ng administrasyon na puksain ang ipinagbabawal na pangangalakal ng mga produktong singaw ng nikotina gayundin ang mga produktong tabako.

Noong 2024, nagsagawa ang BOC ng 48 seizure operations na may kaugnayan sa mga vape at e-cigarettes na nagresulta sa pagsamsam ng tinatayang P6.658 bilyon na halaga ng mga smuggled na produkto.

Bukod sa pagkondena sa Flava brand vape products noong 2023, may kabuuang 2,983,725 vape products na nagkakahalaga ng P3.267 bilyon ang nasamsam noong 2024.

Sa pakikipagtulungan sa Department of Trade and Industry (DTI), Philippine Coast Guard (PCG) at iba pang ahensya, layunin ng BOC na palakasin ang laban kontra sa mga vape products bilang tugon sa panawagan ng Senado para sa mas mahigpit na regulasyon sa importasyon, pamamahagi at pagbubuwis ng mga produktong ito.