BOC1

P3M halaga ng high-grade marijuana nasakote ng BOC

52 Views

NAHARANG ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Clark ang 2.56 kilo ng high-grade marijuana na nagkakahalaga ng P3.084 milyon.

Dumating ang shipment noong Oktobre 14 at napuna sa X-ray Inspection Project (XIP) ng BOC ang kahina-hinalang laman nito.

Matapos idaan sa K-9 inspection ay binuksan ang package at nakuha ang dalawang joog bags na mayroong mga plastik na naglalaman ng marijuana, na kinumpirma ng chemical laboratory analysis ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Agad na nagpalabas ng Warrant of Seizure and Detention laban sa shipment dahil sa paglabag sa Sections 118 (g), 119 (d), at 1113 paragraphs f, i, at (l) (3 at 4) ng R.A. No. 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), kaugnay ng R.A. No. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Iginiit ni BOC Commissioner Bienvenido R. Rubio ang dedikasyon ng ahensya na protektahan ang bansa laban sa ipinupuslit na ipinagbabawal na gamot.