Shabu Source: FB post

P3M shabu, Ecstasy nakumpiska sa ‘tulak’ na lolo

Alfred Dalizon Aug 30, 2025
232 Views

ISANG suspek na tulak ng droga ang nahuli sa buy-bust sa Bacoor City, Cavite ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) noong Martes at nagresulta rin sa pagkakakumpiska ng halos P3 milyong halaga ng shabu at Ecstasy.

Nadakip sa operasyon sa Brgy. Molino 4 si alyas Samson, 64, ayon sa ulat kay PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez.

Nasamsam sa suspek ng mga tauhan ng PDEA Regional Office 4-A, Cavite Maritime Police at Bacoor City Police ang 1,157 Ecstasy tablets na may halagang halos P2 milyon at 150 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.020 milyon.

Ang operasyon ay isinagawa sa harap ng shopping mall sa Brgy. Molino 4 pasado alas-8:00 ng gabi.

Nahaharap sa mga kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang suspek, ayon sa pulisya.