P4.4M halaga ng smuggled na sigarilyo naharang ng BOC

158 Views
NAHARANG ng Bureau of Customs ang P4.4 milyong halaga ng sigarilyo na iligal umanong ipinasok sa bansa.

Nagsasagawa umano ang mga tauhan ng BOC- Port of Zamboanga (POZ) Enforcement and Security Service – Water Patrol Division (ESS-WPD) at PNP 2nd Zamboanga City Mobile Force Company (2nd ZCMFC – Seaborne) ng nakita nila ang bangka na may sakay ng 126 master cases ng sigarilyo sa Barangay Recodo sa Zamboanga City.

Ang bangka, na mayroon umanong apat na crew ay galing sa Jolo, Sulu at patungo sa Zamboanga City.

Wala umanong naipakitang importation permit para sa mga sigarilyo.

Ang mga sigarilyo ay kinumpiska alinsunod sa Customs Modernization and Tariff Act o Republic Act 10863. Si Port of Zamboanga District Collector Arthur Sevilla Jr. ang nagpalabas ng Warrant of Seizure and Detention laban sa mga kargamento.

Patuloy ang maigting na operasyon ng BOC-POZ laban sa smuggling alinsunod sa direktiba ni Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio.

“The BOC remains committed to spoil and cease smuggling activities in all parts of the country and create a deterrent for the commission of these unscrupulous acts of economic sabotage,” ani Rubio.

Ayon kay Rubio ang mga anti-smuggling efforts ng BOC ay tugon sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na higpitan ang mga border control measure.