Calendar
P6.2B ayuda inilabas ng DBM
IPINALABAS ng Department of Budget and Management (DBM) ang P6.2 bilyong pondo para sa P500 buwanang ayuda ng mga mahihirap na pamilya sa gitna ng mataas na presyo ng bilihin at produktong petrolyo.
Ang pondo ay ibibigay sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa pagpapatupad ng Targeted Cash Transfer (TCT) Program.
Noong Marso ay ipinanukala ng mga ahensya ng gobyerno ang pagbibigay ng P200 buwanang ayuda sa mga mahihirap na pamilya. Itinaas naman ito ng noon ay Pangulong si Rodrigo Roa Duterte sa P500.
Ang cash subsidy ay ibibigay sa 6 milyong pamilya na kabilang sa 50 porsyento ng pinakamahihirap sa bansa 4 milyon mula sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at 2 milyong benepisyaryo ng social pension.
Tatagal ng anim na buwan ang pamimigay ng P500 o kabuuang P3,000.