DBM

P7K medical allowance ng gov’t workers matatanggap na

Chona Yu Jan 2, 2025
38 Views

IBIBIGAY na ng Department of Budget and Management (DBM) ang P7,000 medical allowance ng mga manggagawa sa gobyerno para sa taong 2025.

Ito ay matapos aprubahan ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang Budget Circular 2024-6 para sa guidelines sa medical allowance.

Ayon kay Pangandaman, ang P7,000 medical allowance ay pagtalima na rin sa Executive Order (EO) 64 s. 2024 ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kasabay ng pagbibigay ng umento sa sahod noong Agosto 2024.

“This is a promise fulfilled. Matagal ko na pong pangarap ito para sa ating mga kababayan. Pagpasok po ng 2025, maaari na po silang makatanggap ng medical allowance para makatulong sa pagkuha nila ng HMO para sa kanilang health-related expenses o gastusin (This has been my dream for a long time for our fellow public servant. By 2025, they can receive a medical allowance to help them get an HMO for their health-related expenses,” pahayag ni Pangandaman.

Kasama sa kautusan ang lahat ng civilian government personnel sa national government agencies, pati na sa state universities and colleges at government-owned and controlled corporations na hindi sakop ng Republic Act No. 10149 at EO No. 150, s. 2021.

Makatatanggap ang lahat ng government workers ng medical allowance kahit na appointment status, regular, casual, o contractual; appointive o elective; at full-time o part-time basis.

Sakop din nito ang mga empleyado sa local government units at local water districts.

Maaring ibigay ang medical allowance sa pamamagitan ng HMO-type product coverage o cash.

Nagpasalamat si Pangandaman kay Pangong Marcos sa pagbibigay prayoridad sa kalusugan ng mga manggagawa sa gobyerno.

“This medical allowance is not just a benefit, it’s a vital investment in safeguarding a healthy workforce and ensuring that they perform at their best,” pahayag ni Pangandaman.