Shabu Source: PRO3 FB post

P7M droga, baril, bala nakumpiska sa 2 kelot sa Angeles City entrapment ops

Bernard Galang Mar 24, 2025
27 Views

MAHIGIT P7 milyong halaga ng droga, baril at bala noong Linggo ang nakumpiska sa dalawang lalaki sa entrapment operation sa Bgy. Malabanias, Angeles City.

Sa ulat kay PRO3 director Brig. Gen. Jean Fajardo, kinilala ni Angeles City police acting director Col. Joselito Villarosa Jr. ang mga suspek na sina alyas Usup, 36, Bgy. LNW, Angeles City; at alyas Tobats, 31, mekaniko at residente ng Bgy. Lourdes Sur, Angeles City.

Ayon kay Station 4 commander Maj. Marlon Ventus, inilunsad ng mga operatiba ng CIU, ACPO ang buy-bust sa dalawang suspek na umano’y sangkot sa pambibiktima ng mga Korean national sa Korea Town sa Bgy. Anunas, Bgy. Balibago at Bgy. Pampang.

Isinagawa ang koordinasyon sa PDEA Regional Officer 3 para sa operasyon kasama ang mga tauhan ng SDEU ng Police Stations 4 at 6, ACDEU at CIU na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang suspek at nakumpiska ang humigit-kumulang 1,043.01 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P7,092,468 at isang .45 na baril, mga bala ng .45 na baril, mga bala ng . may marka at boodle money.

Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165, RA 10591 at Violation of Omnibus Election Code ang dalawang suspek.