Bulacan

P9.1M iligal vape products nakumpiska a Babaeng Tsino sa Bulacan

Bernard Galang May 22, 2025
13 Views

ARESTADO ang isang babaeng Chinese national noong Huwebes at nakuha sa kanya ang mahigit P9 milyong halaga ng ilegal na vape products sa isang buy-bust sa Marilao, Bulacan.

Sa ulat kay CIDG3 Regional Chief Col. Richard Bad-Ang, kinilala ang suspek na si alyas Ping.

Nahuli ang suspek mula sa isang confidential informant tungkol sa umano’y pagbebenta ng hindi rehistradong vape products sa Apalit, Pampanga.

Nakipag-coordinate ang mga pulis sa Bureau of Internal Revenue at kinumpirma na hindi rehistrado sa BIR ang mga produktong vape na may tatak na “Eutral” na ibinebenta ng dayuhan.

Isang poseur-buyer ang nakipag-ugnayan sa suspek para umorder ng vape products at nagkita sila sa Apalit, Pampanga.

Sa takbo ng kanilang transaksyon, napagkasunduan nilang dumiretso sa warehouse na matatagpuan sa Brgy. Prenza 1, Marilao, Bulacan para kumpletuhin ang transaksyon.

Nang makarating sa lugar at matapos ang palitan ng bayad, inaresto ng mga pulis ang suspek at nakuha ang 10 kahon na naglalaman ng 4,000 piraso ng Eutral brand vape sa iba’t- ibang lasa, 55 na kahon na naglalaman ng 22,000 piraso ng Eutral brand vape sa iba’t-ibang flavor na may kabuuang halaga na P9,100,000 pati na rin ang marked at boodle money.