Suspek

P900K na shabu nasabat sa 4 na suspek na tulak

Steve A. Gosuico Feb 1, 2025
11 Views

JAEN, Nueva Ecija–Laglag sa kamay ng mga pulis ang apat na lalaki na umano’y sangkot sa pagbebenta ng ilegal na droga at nasamsaman ng humigit-kumulang P839,800 na halaga ng shabu noong Huwebes.

Nakilala ang isa sa mga naaresto na 53-anyos na taga-Brgy. Mambangnan, San Leonardo, Nueva Ecija, ayon kay Major Ernesto Esguerra, hepe ng pulisya.

Sakay ng Honda Click ang suspek ng parahin sa checkpoint sa Brgy. Dampulan alas-7:55 ng gabi.

Aksidenteng nadiskubre ng mga operatiba ang mga epektos ng suspek na hindi lisensyadong cal .45 pistol ng umusli ang pulohan nito habang kinukuha niya ang registration papers ng kanyang motorsiklo sa belt bag.

Nakuha rin mula sa suspek ang mga sachets na naglalaman ng 115 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P782,000.

Samantala, tatlo pang suspek na tulak na edad 62, 54, at 34 ang nahuli sa buy-bust sa Brgy. Sapang dakong alas-6:20 ng gabi.

Nakuha mula sa tatlo ang 8.5 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P57,800.