Calendar

Pacquiao sa kabataan: Mag-invest sa edukasyon, gamitin an talino
HINIKAYAT ni Pambansang Kamao at Alyansa para Bagong Pilipinas (APBP) senatorial candidate Manny “Pacman” Pacquiao ang mga kabataang Pilipino na huwag nilang sayangin ang kanilang buhay sa mga walang kapararakang bagay at sa halip ay mag-invest sila para sa kanilang edukasyon para sa kanilang magandang kinabukasan.
Kasabay nito, umaapela din si Pacquiao sa mga kabataang estudyante na gamitin din nila ang kanilang talino at kakayahan o skills para magbigay serbisyo sa ating lipunan sa pamamagitan ng maiaambag nilang kontribusyon para sa pag-unlad ng bayan.
Ayon kay Pacquiao, “Keep learning, keep growing” na nangangahulugan na hindi umano sila dapat huminto sa kanilang ginagawang pagsisikap upang mas lalo pa silang umunlad at umasenso sa buhay.
Nagbigay ng mensahe ang dating Senador para sa mga kabataan lalo na para sa mga mag-aaral upang magkaroon sila ng inspirasyon sa pamamagitan ng patuloy nilang pagsisikap sa gitna ng may mga kabataan ang naliligaw ng landas bunsod ng pagkakalulong nola sa masamang bisyo.
“Your dedication plays a pivotal role in ensuring that every Filipino student particularly those from marginized communities has access to quality education,” mensahe ni Pacquiao sa mga kabataan.