Pacquiao

Pacquiao, suportado Panay-Guimaras-Negros Bridge project

Mar Rodriguez Feb 26, 2025
15 Views

SINUSUPORTAHAN ni Alyansa para sa Bagong Pilipinas (APBP) Senatorial candidate Manny “Pacman” Pacquiao ang ikakasang Panay-Guimaras-Negros bridges project dahil sa napakalaking potensiyal maidudulot nito hindi lamang sa ekonomiya ng bansa bagkos pati ang paglilikha ng maraming trabaho para sa mga Pilipino.

Sinabi ng dating senador na suportado nito ang isusulong na infrastructure development subalit kailangan lamang tiyakin na hindi mako-kompromiso at maapektuhan ang kalikasan o environment gaya ng mga dolphins sa Pulupandan at Bago City.

Paliwanag pa ng tinaguriang “Pambansang Kamao” na bahagi ng pag-asenso ng isang bansa ay ang pagsasa-ayos o pagpapabuti ng transportasyon nito at ang pagpapaggawa ng mga tulay ay susi ng mga infrastructure project na lalong magsusulong ng pag-unlad.

“Part of economic development is improving transportation and this bridge is a key infrastructure project that will accelerate progress. But the same time, we must protect our environment when I was part of the Task Force Kalikasan. We ensured that development projects did not damage nature,” wika ni Pacquiao.

Ipinahayag din ni Pacquiao na sa kasalukuyan ay mayroon na aniyang mga modernong teknolohiya na ginagamit para sa pagtatayo o konstruksiyon ng mga tulay na hindi naman maaapektuhan ang mga corals habang nasa proseso ng isang proyekto.

Pagdidiin pa ni Pacquiao na napakahalaga din ang gagawing pangangasiwa ng pamahalaan o government supervision sa pamamagitan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para matiyak ang proteksiyon ng ating kalikasan.

“The bridges will greatly benefit the people living in this region, making travel faster and boosting the economy. Our country is made up of many islands, so projects like this are necessary for national development,” sabi pa ni Pacquiao.