Robin

Padilla hahawakan ang makapangyarihan committee ng Constitutional Amendments and REvision of Codes on Social Justice, Welfare and Rural Dev’t

186 Views

WALANG tigil na pag-aaral ang buhay.” Ito ang mariing sinabi ni neophyte Senator Robin Padilla kung saan ay inamin niya na sadyang pukpukan ang ginagawa niyang pag-aaral sa mga bagay na dapat niyang matutuhan sa pag balangkas ng batas bilang bagong halal na senador.

Sa unang pagkakataun nuong nakaraan Hunyo 14, 2022, si Padilla ay nakitang isa sa mga senador naroroon sa Senado upang makinig at mag aral sa briefing na isinasagawa sa Senado na pinamagatan “Executive Mentoring on Legislative Governance: Setting the tone for the first 100 Days in the 19th Congress.

Si Padilla na umaming patuloy na nag-aaral hangang sa ngayon ay nagsabing pumasok siya sa Philippine College of Criminology matapos na makulong nuong 1994 at ginawaran ng pardon o pagpapatawad ni dating Pangulong Fidel Ramos kung saan siya ay nahatulan makulong ng walong (8) taun dahil sa illegal possession of firearms. Ginawaran naman siya ni Pangulong Duterte ng absolute pardon nuong nakaraan November ng 2016 base sa rekomendasyon ng Board of Parole.

“Ang ambisyon ko maging pulis pero naging kriminal ako at yun ang nagtulak sakin para muling mag-aral ng batas na dapat kong matutunan,” ani Padilla.

Si Padilla na kinilalang Bad Boy of Philippine Cinema ay tahasang umamin na malaking hamon sa kanya ang ibinigay na tiwala ng taong bayan.

Si Padilla rin ang sinasabing susunod na hahawak bilang Chairman ng Committeee on Constitutional Amendments and Revision of Codes on Social Justice, Welfare, and Rural Development kung saan ay inamin niya na siya ay para sa pagsusulong ng federalismo sa bansa.