PBBM

Pag-aayos sa bypass road sa Nueva Vizcaya pinamamadali ni PBBM

Chona Yu Nov 22, 2024
48 Views

INATASAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na madaliin ang pag-aayos sa Bambang bypass road sa Nueva Vizcaya na nasira dahil sa bagyong Pepito.

Ginawa ni Pangulong Marcos ang utos matapos inspelsyunin ang naturang bypass road.

Partikular na nasira ng bagyo ang unang portion na may 60 linear meters na may bitak-bitak na semento.

Nasira rin ang ikalawang bahagi ng bypass road na tinatayang nasa 131 linear meters.

Nasa P15.5 milyon ang halaga ng pinsala.

Maliban sa bypass road, nasira rin ang ilang flood control project sa lalawigan.

Ayon kay Pangulong Marcos, inaaral na ng DPWH ang lawak ng pinsala.

Nais ng Pangulo na mas patibayin pa ang nasirang tulay at flood control project para hindi na masira ulit kapag may panibagong bagyo na darating sa bansa.

Sa ulat ng DPWH kay Pangulong Marcos, kabuuang 77 road sections at 32 mga tulay ang naapektuhan ng nagdaang mga bagyo sa Nueva Vizcaya.